EPILOGUE


Wansapanataym, mayroon isang malamig, malumbay at walang kulay na lugar, ito ay ang Naga.

Dahil na din sa lokasyon nito kaya madalas itong dagundungin ng malahalimaw na mga bagyo na naging karagdagang sanhi sa pagkalubog nito.

Sa labis na pagka-awa at kagustuhang maisalba ang Naga pinilit makarating ng mga dakilang superhero ng Pilipinas dito upang makatulong.




dpsa2

Nariyan si Darna na agad-agad nilunok ang kanyang bato subalit agad-agad din namang nabulunan.

Captain Barbell
Sinubukan din ni Captain Barbell na tulungan ang nasabing lugar subalit sa kanyang paglalakbay ay may nakasalubong siyang mga aswang. Natakot siya bigla at bumalik na lang.
Nandiyan din si Lastikman na hinulma ang sarili upang tumalbog papuntang Bicolandia yun nga lang sa bangin ay nahulog siya at di na nakaalis pa.

Lumipas ang araw at sa paglipas nito ay marami pa din sumubok subalit nabigo. Hanggang sa isang araw ay may isinilang ang itinakda kung saan ay pinangalanang Jesse!

Lumaki si Jesse sa isang maayos na pamilya. Nagtraining siya sa pinakamagagaling na paaralan sa bansa.

Bata pa lamang siya ay kinakitaan na siya ng kakaibang leadership skills at habang tumatagal ay lalo pang nahuhubog ang kakayanan niyang ito.
Hanggang sa dumating na lang ang araw na handa na siyang tulungan ang Naga.

Binigyan niya ito nang kakaibang kulay. Kulay na nagbigay ng kakaibang sigla at pag-asa sa mga tao ng Naga.

Sinimulan niya sa pagbigay ng bahay sa walang matuluyan. Sinundan ito ng pagpapalakas sa mahihina sa pamamagitan ng pagpapakain ng masustansyang pagkain. Hinubog din niya ang kakayanan ng kabataan sa tulong ng pagpapatayo niya ng pampublikong paaralan at higit sa lahat ipinakilala niya ang Naga hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo pa.

TRY THIS FOR FUN!